Ang Alamat ng Bubuyog


Dati ang bubuyog ay walang karayom. Ito ay hindi kinakatakutan, hindi iniiwasan, at maraming kaibigan. Napakabait ng bubuyog kaya binigyan ito ng regalo ng Bathala. Isang regalong magbabago sa buhay nya.

Isang araw, paggising ng bubuyog, nagulat ito sa pagdating ng Bathala. "Dahil sa mabait ka, bibigyan kita ng kakayahan para gumawa ng sarili mong pulot" ani ng Bathala. Natuwa ang bubuyog sa narinig at nagpasalamat sa Bathala.

Nong araw ding iyon, inumpisahan na nito ang paggawa ng pulot at inimbitahan ang kanyang mga kaibigan. Nagsunod-sunod pa ang mga araw hanggang sa napagod na ang bubuyog dahil sa kakagawa ng pulot. Hindi na ito halos nakakatulog dahil gusto nyang mapasaya ang lahat sa gawa nya. Nagalit ang mga kaibigan nito at isa isang umalis. Tumulo ang luha ng bubuyog at humiling ito sa Bathala na tanggalin na ang kanyang kakayahang gumawa ng pulot. "Hindi ang kakayahan mo ang problema dito, kundi ang mga tinuturing mong kaibigan na akala mo ay totoo sa iyo. Dahil dyan, bibigyan pa kita ng isang regalo" wika ng Bathala. Binigyan Nya ng karayom ang bubuyog at mula noon ay hindi na ito nawala kahit saan man sya pumunta. Ang mga dating kaibigan nito ay hindi na nagpakita sa kanya. Sa kabila ng karayom nya, nakakilala pa din siya ng mga tunay na kaibigan na hindi siya kinakatakutan.


Mga Komento

  1. Hi guys, bata pa lang ako mahilig na ako sa mga short stories. Sana magustuhan nyo ang gawa ko

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento