Mga Post

Ang Alamat ng Bubuyog

Imahe
Dati ang bubuyog ay walang karayom. Ito ay hindi kinakatakutan, hindi iniiwasan, at maraming kaibigan. Napakabait ng bubuyog kaya binigyan ito ng regalo ng Bathala. Isang regalong magbabago sa buhay nya. Isang araw, paggising ng bubuyog, nagulat ito sa pagdating ng Bathala. "Dahil sa mabait ka, bibigyan kita ng kakayahan para gumawa ng sarili mong pulot" ani ng Bathala. Natuwa ang bubuyog sa narinig at nagpasalamat sa Bathala. Nong araw ding iyon, inumpisahan na nito ang paggawa ng pulot at inimbitahan ang kanyang mga kaibigan. Nagsunod-sunod pa ang mga araw hanggang sa napagod na ang bubuyog dahil sa kakagawa ng pulot. Hindi na ito halos nakakatulog dahil gusto nyang mapasaya ang lahat sa gawa nya. Nagalit ang mga kaibigan nito at isa isang umalis. Tumulo ang luha ng bubuyog at humiling ito sa Bathala na tanggalin na ang kanyang kakayahang gumawa ng pulot. "Hindi ang kakayahan mo ang problema dito, kundi ang mga tinuturing mong kaibigan na akala mo ay totoo sa iyo. Dahi